Photo courtesy of Social Security System (SSS)
Lumagda sa kasunduan ang Social Security System (SSS) at ang Standard Economics para sa pagpapa-unlad ng digital micro loan program na SSS LoanLite.
Layunin ng programa na makapagbigay sa mga miyembro ng mas mabilis, mas ligtas, at mas abot-kayang short-term loan sa pamamagitan ng digital platform.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph de Claro, makatutulong ang teknolohiya ng kumpanya sa pagpapabilis ng loan release at pagpapababa ng gastos.
Gagamitin din ang artificial intelligence, blockchain technology, at digital payments upang mapalakas ang seguridad at maiwasan ang pandaraya.
Sinabi ng Standard Economics, na suportado nito ang layunin ng SSS na makapaghatid ng mas mabilis at episyenteng serbisyong pinansyal.
Dagdag ni de Claro, makatutulong ang inisyatiba sa pagpapalawak ng digital innovation at pagpapahusay ng serbisyo sa publiko.