Umabot na sa tatlo ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring flash flood sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental bunsod na malakas na pag-ulan noong nakaarang Biyernes ng gabi, Hulyo 10, 2026.
Sa report mula sa Davao Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang nasabing bilang ng mga katawan ay mula sa siyam na nawawala matapos umanong tangayin ng matinding pagbaha ang Barangay Tanuman.
Patuloy naman ang isinasagawang search and recovery operations sa natitirang anim pang nawawala kasama ang umano’y mga senior citizen.

Sa kaniyang Facebook post, patuloy na umaapela ng pagdarasal si Jose Abad Santos Mayor Jason John Joyce para matagpuan na ang natitirang missing ng nasabing insidente.
Katuwang ng PDRRMO sa nasabing search and recovery ang mga tauhan ng 73rd Infantry Battalion, Davao Occidental Provincial Police Office, Malita Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Don Marcelino MDRRMO.
📸 PDRRMO Davao Occidental