Nasamsam ng mga awtoridad ang higit sa ₱6.9 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa ikinasang anti-smuggling operation sa Barangay Muricay sa Lungsod ng Pagadian.
Narekober ng mga tauhan ng Pagadian City Police Station, kasama ang Bureau of Customs, Philippine Army, at iba pang katuwang na ahensya sa pagppapatupad ng batas, ang 40 master cases o kahon, at 240 ream ng mga hindi dokumentadong sigarilyo na iniwan sa isang bakanteng lote.
Ang mga nakuhang kontrabando ay kinabibilangan ng iba’t-ibang brand o tatak ng sigarilyo at agad na inimbentaryo sa harap ng mga kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) at mga lokal na opisyal bago inilagay sa kustodiya ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Kasalukuyang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga kontrabando at matukoy ang mga indibidwal na responsable sa pag-iwan sa kargamento.
📸 Pagadian City Police Station