Ginaganap sa Malacañang ngayong hapon ang pagbubukas ng National Peace Consciousness Month, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang kaganapang ito ay taunang ipinagdiriwang ng bansa, na kinabibilangan ng ika-30 anibersaryo ng paglagda sa 1996 Final Peace Agreement (FPA) kasama ang Moro National Liberation Front (MNLF).
Gayundin ang selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng 1986 Mount Data Peace Accord, at ang paglagda ng Kasunduan para sa Fulfillment ng Mount Data Peace Accord, kasama ang Cordillera Bodong Administration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA).
Ang tema sa selebrasyon ngayong taon ay “Kapayapaan Pagtibayin, Kaunlaran Paigtingin.”
Sinasalamin nito ang mahalagang ugnayan sa pagitan ng pangmatagalang kapayapaan at sustainable development.
Ayon kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Mel Sarmiento, napakahalaga na maisulong ang kapayaan at development sa bansa.
Dapat aniya itong magresulta ng improvement sa buhay ng mga Pilipino.
Lalo’t ang tunay na sukatan aniya ng kapayapaan ay kung nararamdaman at tunay na naisasabuhay na ito ng mga Pilipino.
‘The true measure of peace is when it becomes the lived reality of all Filipinos, which is felt through sustainable livelihoods, empowered Filipino families, and shared prosperity across the entire archipelago.” -Sarmiento