Nanawagan si Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan sa Department of Health (DOH) na magpatupad ng malinaw na pamantayan pagpapataw ng professional o doctor’s fee.
Ito ay upang tiyakin ang transparency at mapigilan ang ilang doktor na itaas ang kanilang professional fees.
Sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang pondo ng DOH sa 2027, inihayag ni Yamsuan ang pangamba ng mga kapwa mambabatas hinggil sa mga reklamo na tumataas pa ang hospital bills ng mga mahihirap na pasyente sa halip na mabawasan ito.
Tugon naman ni DOH Secretary Edwin Mercado, nagpatupad na sila ng tatlong hakbang na mekanismo kabilang ang mas mabilis na pagpapalabas ng PhilHealth reimbursements.
Ipinahayag ni Yamsuan na handang tumulong ang Kongreso, partikular sa pamamagitan ng Budget Amendments and Review Subcommittee (BARSc) at Bicameral Conference Committee, upang mabigay ang nararapat na pondo at matiyak na maayos na maipatutupad ang mga programang tulad ng Zero Balance Billing scheme at libreng gamot.