Sang-ayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng Korte Suprema na dapat nang aksyunan ng parehong kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa mga panukala para sa anti-political dynasty.
Lalo’t ayon sa Kataas – taasang Hukuman, dekada na ang lumipas, ngunit hindi pa rin maipasa ang mga panukala rito, sa kabilang ng malinaw na probisyon dito ng Saligang Batas.
Ipinunto ni Communications Usec Claire Castro, kahit wala pang ganitong desisyon ang Supreme Court, kabilang na sa priority bills ng administrasyon ang anti-political dynasty bill.
Mismong ang pangulo aniya ang nagpapamadali sa pagpasa ng panukala dahil nais niyang maisabatas ito sa ilalim ng kaniyang termino.
Gayunpaman, nasa kamay na aniya ng Kongreso ang timeline kung kailan ito maipapasa.
“Ang timeline po ng Kongreso ay nasa kanila po itong kamay. Ang nais lang ipaalam ng Pangulo ay gusto po niya itong maipasa. Nagkakaroon lang po ng maraming trabaho, hindi natin mabi-blame ang mga kinatawan dito sa Kongreso dahil alam din po natin na marami din silang ginagawang trabaho at marami silang tinututukan na dapat ding unahin.” —Castro.
pagpasa basta’t malinaw ang kanyang mensahe na dapat itong maisabatas sa lalong madaling panahon.
Para kay Castro, hindi naman din dapat sisihin ang mga mambabatas kung hindi pa agad maaksyunan ang panukala dahil sa dami rin ng kanilang ginagawang trabaho at tinututukang gawin.
Nauna nang pumasa sa Kamara ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill, pero nakabinbin pa rin ang pagtalakay dito ng Senado.