Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na palawakin ang bagong irrigation service program ng National Irrigation Administration (NIA) para sa 2027.
Ito, ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ay upang mas maraming sakahan ang maging produktibo at mas maraming magsasaka ang masuportahan ng administrasyon.
Ayon sa opisyal, nasa P30.44 bilyon ang inilaan na pondo ng DBM para dito.
Target nitong i-develop ang nasa 11,153 hectares ng bagong irrigation service areas.
Bahagi ito ng layuning mapataas ang agricultural production sa bansa at mapalakas ang tulong sa mga magsasaka upang harapin ang mga panganib dulot ng climate change tulad ng El Niño.