Pormal nang iginawad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang absolute pardon kay dating overseas Filipino worker (OFW) Mary Jane Veloso.
Si Veloso ay nasentensyahan ng parusang kamatayan noong 2010 sa Indonesia dahil sa drug trafficking at nakabalik ng Pilipinas noong 2024, matapos ang kasunduan ng bansa at Indonesia para sa kanyang transfer.
Sa ambush interview sa Punong Ehekutibo sa kanyang isa sa mga aktibidad ngayong araw sa Samar, inihayag nitong nilagdaan na niya kahapon ang kautusan na magbibigay ng absolute pardon kay Mary Jane.
Si Mary Jane Veloso ay ipiniit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City matapos na makabalik ng bansa noong December 18, 2024 at inaasahang makakalabas na din, kasunod ng paglagda ng Pangulong Marcos para sa kanyang absolute pardon.