Iginiit ni impeachment trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na dapat laging unahin ng mga halal na opisyal ang interes ng Pilipinas sa pakikitungo sa ibang bansa, kabilang ang China.
Ayon kay Rep. Alonto Adiong, hindi dapat maging pagpipilian kung papanigan ang China o Pilipinas kapag nagkakasalungat ang kanilang mga interes.
Sinabi niya na kung may ginagawa ang ibang bansa na nakaaapekto sa interes ng Pilipinas, dapat itong ipagtanggol ng mga opisyal.
Punto pa niya, hindi dapat mamili ang mga opisyal sa naratibo ng China at Pilipinas, kundi laging pairalin ang pambansang interes.
Ang pahayag ni Alonto Adiong ay tugon sa tanong kung maituturing bang pro-China si Sen. Robin Padilla.