Aalamin ng Malacañang puno’t dulo ng reklamo ng mga Pilipinong atleta tungkol sa umano’y kakulangan ng suportang kanilang natanggap para sa Asian Games.
“Unang-una, papaimbestigahan ito para malaman natin kung ano ba iyong naranasan ng ating mga athletes, mga ating mga manlalaro. So, hindi po kasi gusto ng Pangulo na iyong nagri-represent sa ating bansa ay sila pa iyong nahihirapan dahil parang hindi tumutugon ang gobyerno sa pangangailangan nila. Ayaw na ayaw na iyan ng Pangulo.” —Castro.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod ng hinaing si Alas Pilipinas Men team Captain Bryan Bagunas, na nangungutang na aniya ang ilan sakanila para makapunta sa training, habang sa Asian Games, mayroong mga pagkakataong gumagastos sila ng sariling pera para sa pagkain.
Ayon kay Castro, dapat matukoy kung sino ang nagkulang at bakit nagkaroon ng pagkukulang sa mga atleta.
Sakali aniyang mapatuunayan na mayroong mga umabuso, pananagutin ng gobyerno ang mga ito.
Pagbibigay diin ni Castro, ang mga manlalarong Pilipino, binibigyang halaga ng pangulo, at hindi ito papayagan na kulang o hindi nabibigyan ng suporta ang mga ito.
Hindi anya katanggap-tanggap na ang mga Pilipinong atleta na kumakatawan sa bansa ay napagkakaitan ng suporta ng pamahalaan.
“Dapat lang po, lahat po ng umaabuso sa kapangyarihan, lalo na kung may isyu tungkol sa pondo, hindi po sila dapat na maging masaya kung sila man ay nakalamang dahil pananagutin po sila.” —Castro.a tayo, huwag puro eleksyon, eleksyon, aksiyon, aksiyon muna.” —Castro. | ulat ni Racquel Bayan