Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang publiko na gamitin ang Puntod Online Finder upang mas madaling mahanap ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong papalapit ang Undas 2026.
Partikular itong inirerekomenda sa mga bibisita sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa Makati, lalo na sa mga maglilinis at mag-aayos ng puntod bago ang November 1.
Para magamit ang online finder, maaaring bisitahin ang manilanorthcemetery.ph at manilasouthcemetery.com.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng Manila LGU ang publiko na maging maingat sa pagdalaw at panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga sementeryo.