Palalawakin pa ng Office of Civil Defense ang pagpapalabas ng mga Panatag Pilipinas information videos upang mas maisulong ang paghahanda sa lahat ng uri ng kalamidad at sakuna kasabay ito ng pagdiriwang ngayong October 13, 2026 ng International Day for Disaster Risk Reduction.
Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, mahalaga na mas mapaintindi sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng paghahanda kaya naman mas paiigtingin pa ng OCD ang pagpapalabas ng information video ng Panatag Pilipinas.
Ilan sa mga platform na palalawakin dito ay ang pagpapalabas nito sa mga government channels gayundin sa mga social media platfirms, movie screening, iba pang mga media outlets at pagpapalabas nito sa lahat ng paaralan sa bansa pakikipagtulungan na rin ng Department of Education.
Ani Castillo, mahalagang maitatak sa isip ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna lalo na at humaharap ngayon ang Pilipinas sa banta ng El Nino.