Walang-patid ang isinasagawang monitoring ng Office of Civil Defense o OCD sa mga aktibidad ng Bulkang Kanlaon at Bulkang Taal kasama na rin dito ang responde ng OCD sa mga naapektuhan ng aktibidad ng nasabing mga bulkan.
Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo pumalo na sa 138 na pamilya o katumbas ng 452 na indibidwal ang nasa evacuation center at apektado ng aktibidad ng Bulkang Taal.
Sumampa naman sa 24,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 90,000 na indibidwal ang apektado ng ashfall na dulot ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon, ngunit giit ng OCD na maliit na bahagdan lang dito ang namamalagi sa evacuation center na umabot sa 2,500 na pamilya o katumbas ng higit sa 8,000 indibidwal.
Hindi rin tumitigil ang koordinasyon ng OCD sa iba’t ibang ahensiya upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga apektado ng aktibidad ng dalawang bulkan.
Ilan sa mga tinitignan rito ng OCD ang livelihood assistance at iba pang tulong na konektado sa kabuhayan ng mga apektado lalo na mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan.