Handa raw magboluntaryo si Atty. Lorna Kapunan na mag-cross examine kay Vice President Sara Duterte kapag iniharap ito ng kanyang legal team sa ginagawang impeachment trial sa Senado.
Sa naging panayam sa media, sinabi ng private prosecutor na gusto niyang personal na matanong at makaharap ang Bise Presidente hinggil sa mga seryosong akusasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.
Binatikos din nito ang strategy ng pangalawang pangulo na nagsasalita sa labas ng impeachment court para sirain ang kredibilidad ng korte.
Istilo na umano ng kanilang kampo na i-discredit ang paglilitis upang ilihis ang atensyon ng publiko.