Photo courtesy of Manila FAME
Tampok ang husay at pagkamalikhain ng mga Pilipino sa Manila FAME 2026 na gaganapin mula October 15-17 sa World Trade Center sa Pasay City.
Sa temang “Bloom,” ibibida sa ika-74 na edisyon ng international trade event ang daan-daang bagong disenyo para sa home décor, furniture, fashion, holiday, at gift products sa pamamagitan ng traditional craftsmanship at mga makabagong disenyo.

Bahagi rin ng programa ang FAME Talks 2026, kung saan magsasama-sama ang mga eksperto sa design at creative industries upang talakayin ang mga bagong ideya, pananaw, at oportunidad sa industriya.

Maaaring lumahok ang walk-in visitors sa halagang PHP 500.00. Libre naman ang admission para sa trade buyers at government employees, habang may discounted rates para sa mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens.
Paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng organizer na Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), na mag-ingat sa mga hindi awtorisadong nag-aalok ng exhibition booth spaces kapalit ng bayad.