Sa pagdiriwang ng International Day of the Girl, nagsama-sama ang mga batang estudyante sa programang “You Can Be Anything” na ginanap ngayong October 14 sa SM North EDSA Skydome.
Pinangunahan ng Grow School Philippines, sa pakikipagtulungan ng SM Cares, Richprime Incorporated at Schools Division Office of Quezon City, ang programa na naglalayong palakasin ang tiwala sa sarili ng mga batang babae at hikayatin silang abutin ang kanilang mga pangarap.
Tampok sa aktibidad ang mga gawaing nakatuon sa pagbibigay-inspirasyon, empowerment at mentorship upang ipaalala sa mga kalahok na kaya nilang hubugin ang kanilang kinabukasan at makamit ang kanilang mga mithiin.
Sa pamamagitan ng programa, nabigyan ang mga batang babae ng pagkakataong matuto, mangarap at maniwala sa kanilang kakayahan upang magkaroon sila ng mas maraming oportunidad sa hinaharap.