Inihahanda na ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng mga generator set at battery energy storage system upang matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa harap ng inaasahang “very strong El Niño.”
Ayon sa DOE, magde-deploy din ng mga emergency power barge upang matiyak na mananatiling matatag ang suplay ng kuryente.
Inaasahan kasing tataas ang demand sa kuryente kapag matindi ang init, habang bababa naman ang power generation mula sa mga hydropower plant.
Bukod sa paggamit ng mga generator set, inaasahan din ng DOE na madaragdagan ang mga planta ng kuryente upang mabawasan ang pagtaas ng mga insidente ng red at yellow alert sa mga grid ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Nakikipag-ugnayan din ang DOE sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng napipintong “Super El Niño” sa mga Pilipino, dahil inaasahang hindi lamang ang suplay ng kuryente ang maaapektuhan nito.