Photo courtesy of BCDA
Magkakaroon ng mga bagong pasyalan na magpapalakas sa turismo sa New Clark City, Pampanga at Camp John Hay Baguio City.
Ito ay matapos na lumagda ng apat na bagong kasunduan ang Bases Conversion and Development Authority o BCDA para magdala ng mga bagong pasilidad, kainan, at atraksyon sa New Clark City at Camp John Hay.
Sa New Clark City, ipinamahagi ng BCDA sa munisipyo ng Bamban ang tatlong ektaryang lupa para sa pagpapalawak ng Dapdap Memorial Park. Nakipagkasundo rin ito sa Grace Farm Nature Resort para sa mga bagong mapupuntahan ng mga turista.
Sa Camp John Hay naman sa Baguio, magbubukas ng bagong branch ang sikat na kainan na Sizzling Plate Steakhouse. Bubuo rin ng limang ektaryang family adventure park na may botanical garden, cultural heritage site, at wildlife adventure park.
Ayon kay BCDA President at CEO Joshua Bingcang, malaking tulong ang mga proyektong ito sa ekonomiya at sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.