Halos kalahating milyong Pilipino, apektado ng El Niño ayon sa NDRRMC
Sumampa na sa 123,635 pamilya o katumbas ng 459,356 indibidwal ang apektado ng “very strong El Niño” sa anim na rehiyon sa bansa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern Visayas at Caraga.
Pinakamarami sa mga lugar na matinding hinagupit ng El Niño ay mula sa rehiyon ng Caraga, sinundan ng Bicol at Cagayan Valley.
Samantala, aabot naman sa ₱48.7 milyon ang halaga ng naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektado.