Photo courtesy of Philippine Coast Guard (PCG)
Malugod na sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang contingent nitong lumahok sa Regional Marine Pollution Exercise o MARPOLEX 2026 sa Bitung, Indonesia.
Mula Oktubre 8 hanggang 12, nagsanay ang PCG kasama ang Indonesian Directorate General of Sea Transportation at Japan Coast Guard upang palakasin ang pagtutulungan at kakayahan sa pagtugon sa polusyon sa dagat, lalo na sa mga oil spill.
Pinuri naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang propesyonalismo at mahusay na pagganap ng contingent, at hinikayat itong gamitin ang mga natutuhan upang higit pang paigtingin ang kakayahan ng PCG sa pagtugon sa oil spill.
Dumalo rin sa seremonya si Johanna Acallar, regional director ng International Maritime Organization para sa East Asia. Nagpaabot naman ng pagbati ang buong PCG sa contingent sa matagumpay na misyon at muling pinagtibay ang pangako nitong pangalagaan ang yamang-dagat at kapaligiran ng rehiyon.