Binigyang babala ng Department of Health (DOH) ang publiko na mas madaling masira ang pagkain ngayong El Niño dahil sa matinding init at mga posibleng brownout.
Pinapayuhan ng kagawaran ang mga Pilipino na gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay, at mga kagamitan.
Kung hindi tiyak ang kalinisan ng inuming tubig, pakuluan muna ito. Takpan at ubusin agad ang lutong pagkain, at huwag itong iwanang nakabilad sa init upang maiwasan ang pagdami ng bakterya.
Paalala ng DOH, mag-ingat at protektahan ang pamilya laban sa El Niño gayundin sa mga sakit na dala nito at sa oras ng emergency, tumawag sa national emergency hotline 911.