Pito ang naiulat na nasawi at maraming sugatan sa isang sunog sanhi ng hindi pa maiturong kadahilanan ng mga awtoridad sa Canada.
Sa ulat ng CNN International, nagsimula ang sunog sa CFB Waimwrigth military base isang army field force training base kung saan nagsasagawa ng live fire exercises matatagpuan 120 kilometero timlg silangan ng Edmonton Canada.
Nagdeklara ng code orange alert sa Royal Alexandra Hospital sa Edmonton dahil sa dami ng mga pasyenteng dinadala sa nasabing ospital.
Pinagbigay alam naman ni Canadian Defense Minister David McGuinty na nagtutulungan ang Canadian Armed Forces, Federal Goverment kasama ang provincial at local authorities upang maibigay ang lahat ng suporta sa mga apektado ng insidente gayundin upang malaman ang naging sanhi ng matinding sunog sa nasabing military base.