Binuksan na ng Department of Agriculture (DA) ang apat na cold storage facilities at isang P51.5-milyong slaughterhouse sa Camarines Sur.
Matatagpuan ang cold storage sa San Jose, Garchitorena, Lagonoy, at Tigaon, na nagkakahalaga ng P45.5 milyon.
Namahagi rin ang DA ng P79.6 milyong halaga ng kagamitang pansaka at pangisdaan.
Tinatayang 10,762 magsasaka at mangingisda sa 10 bayan ang makikinabang sa mga proyekto.
Samantala, 1,303 livestock raisers mula sa 29 na barangay ang inaasahang makikinabang sa bagong slaughterhouse.
Layunin ng mga pasilidad na mabawasan ang pagkasira ng mga ani at mapabuti ang paghawak sa mga produktong agrikultura at karne.