Inihayag ng Malacañang na magalang nilang hindi sinasangayunan ang ilang bahagi ng naging ruling ng Korte Suprema kaugnay ng pagiging unconstitutional ng unprogrammed funds noong 2024 hanggang 2026 budget.
Sa kalatas na binasa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inihayag nitong ang inilatag na kondisyon ng Korte Suprema na dapat ay nalampasan muna ang kabuuang revenue target bago magamit ang unprogrammed appropriations ay pagbabago sa itinakda ng Kongreso.
Noong 2015 pa aniya ay pinahihintulutan na ng Kongreso ang paglalabas ng pondo kapag lumampas sa target ang koleksiyon mula sa kahit anong tinutukoy na non tax revenue source.
Sinunod lang aniya ng administrasyon ang patakarang ito, sabay giit na walang nilalabag na batas o probisyon sa Konstitusyon ang administrasyon at tumalima sa proseso na itinatakda ng batas.
Hiling nila sa Supreme Court sabi ni Castro, muling suriin ang kanilang desisyon.