Suportado ng Malacañang ang suhestyon ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na dapat ang susunod na pangulo ng bansa ay tutol sa operasyon ng POGO.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, makaraang sabihin ni Casio na mayroon siyang natanggap na ulat na nais bumalik ng mga POGO operator mula sa mga karatig na bansa ng Pilipinas. Gayunpaman, mangyayari lamang ito kung ang uupong pangulo ng bansa sa 2028 ay pabor sa offshore gaming, at kung mayroong mga local official ang tutulong sa mga ito.
Sabi ni Castro, totoo na maaaring mawala ang mga sinimulan ni Pangulong Marcos, kung ang susunod sa kaniya ay pahihintulutan ang pagpapanumbalik ng POGO.
Sa kasalukuyan aniya, gumagana ang mga hakbang ng administrasyon kontra POGO, at mahalaga na ang susunod na liderato ng bansa ay kontra rin sa POGO, upang hindi mabasura ang mga pinaghirapan ng administrasyon kontra offshore gaming.
”Maganda po ang suhestiyon ni Sir Casio. Totoo naman po iyan dahil baka ang mga sinimulan ng Pangulo” – Castro at sa ngayon ay gumagawa at gumagana pa rin laban sa mga iligal na gawain sa mga kontrabando ay baka mawala at malagay lamang sa basura kung ibang liderato ang maboboto at mga lideratong pabor sa mga ganiyang klaseng paggawa ng krimen.” — Castro.