Binatikos ni House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang inilabas na statement ni VP Sara Duterte sa usapin ng kanyang umanoy biyahe sa bansang Laos.
Ang umanoy biyahe ay naka schedule bago makumpiska ang 521 kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.5 billion pesos lulan ng isang private plane.
Hirit ni Ridon, tila “defensive” umano ang Pangalawang Pangulo sa kaniyang pahayag.
Ayon kay Ridon ang travel authority para sa kanyang biyahe sa Laos ay kailanman hindi kinumpirma ng Malacanang at kumalat lamang sa social media na walang malinaw na source.
Aniya ang dapat sagot sa isang pekeng balita ay “outright” na pagtanggi at hindi marami pang mga pahayag.
Giit ng partylist solon, sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin ang pagkakaroon ng unexplained wealth ng Bise na umaabot sa 800 million pesos hanggang 1.5 billion pesos, mga ariarian at mansyon na nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Gayundin ang relasyon ng pamilya Duterte kay Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang na itinuturong financier ng umanong nasabat na shabu sa Laos.