Senate of the Philippines
Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III na magiging transparent ang pagtalakay ng Senado sa 2027 national budget, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng 2024 at 2025 General Appropriations Act.
Ayon kay Sotto, gagayahin ng Senado ang mga hakbang na ipinatupad sa 2026 budget deliberations, kabilang ang livestreaming para matiyak na malinaw sa publiko ang proseso at kung saan mapupunta ang pondo ng bayan.
Sinabi rin ng senador na hindi nila papayagan ang mga pagbabagong posibleng lumabag sa mga pamantayang itinakda ng Korte Suprema.
Umaasa rin si Sotto na titiyakin ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador JV Ejercito na magiging maayos at transparent ang proseso ng pagbuo ng pambansang budget para sa susunod na taon.