Humiling ng walong araw na trial days ang legal team ni Vice President Sara Duterte upang iharap ang kanilang mga saksi at ebidensya para sa kasong Hindi Maipaliwanag na Yaman (Unexplained Wealth).
Dahil dito, may posibilidad na matapos ang presentasyon ng Depensa bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Ayon kay House Impeachment Adviser at Trial Spokesperson Ace Barbers, ang aktwal na haba ng pagdinig ay nakadepende pa rin sa dami ng saksi at dokumentong itatatanghal ng mga abogado ng Pangalawang Pangulo
Base sa schedule ng Senate Impeachment Court ang mga trial days ay mula November 9 hanggang 13, pati na sa November 19, 20, at 23.
Ilan sa mga ito ay gaganapin sa buong araw.
Handa naman ang Prosecution Team na magkaroon ng Stipulation of Evidence upang mapaikli ang mga usapin, lalo na kung sasang-ayon ang depensa na ang ilang mga dokumento o katotohanan ay hindi na nangangailangan ng mahabang pagtatanong sa harap ng mga senator-judges.