Nagbabala ang Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH), kaugnay ng umano’y ransomware activities ng cybercriminal group na “n0n.”
Ipinabatid ng ahensya ang banta sa mga government agencies, operators ng critical infrastructure, financial at healthcare institutions, at publiko.
Batay sa monitoring nitong November 17, nagdagdag umano ang grupo ng 33 organisasyon sa kanilang dark web leak portal.
Kabilang sa mga sektor ang banking, healthcare, pharmaceuticals, retail, manufacturing, telecommunications, at professional services sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa ulat, nagnanakaw umano ng datos ang grupo at nagbabanta na ilalantad ang mga ito upang piliting magbayad ng ransom ang mga organisasyon.
Gayunman, hindi pa kumpirmadong nakaranas ng cyberattack o data breach ang mga nakalista.
Pinayuhan ng CERT-PH ang mga kinauukulan na palakasin ang cybersecurity, gumamit ng multi-factor authentication, regular na mag-update ng systems at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad.