Photo courtesy of Land Transportation Office (LTO)
Tiniyak ng bagong talagang pinuno ng Land Transportation Office (LTO) na hindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa ahensya.
Sa pulong-balitaan, sinabi ni Atty. Noreen Bernadette San Luis na aalisin niya ang mga tiwaling tauhan upang matiyak ang malinis at maayos na serbisyo sa publiko.
Hinimok din niya ang media na patuloy na bantayan ang pagpapatupad ng mga reporma sa ahensya.
Samantala, nilinaw niyang naisagawa na ang modernisasyon ng information technology system noong panahon ng kanilang pamunuan.
Matagal na rin umanong nag-expire ang kontrata ng dating IT system supplier at sinabi niyang wala siyang alam na batayan sa mga alegasyong iniuugnay dito.
Kaninang umaga, nanumpa si San Luis bilang bagong LTO Chief sa Department of Transportation matapos italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kapalit ni Assistant Secretary Markus Lacanilao.