Photo courtesy of Mayor Jeannie Sandoval Facebook
Binigyan ng parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga indibidwal at korporasyong huwaran sa tapat na pagbabayad ng buwis.
Isinagawa ito sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat 2026 o Gawad ng Pagpapahalaga sa mga Natatanging Taxpayers.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, malaking bahagi ng kita mula sa buwis ang inilalaan sa pagpapaunlad ng imprastraktura, edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at iba pang programa para sa mga mamamayan.
Nagpasalamat din ito sa patuloy na tiwala at pakikiisa ng mga taxpayer sa pagsusulong ng kaunlaran.
Binigyang-diin ng alkalde na mahalaga ang sama-samang pagtutulungan para sa isang mas maunlad at matatag na Malabon.