Hinimok ni House Prosecution Panel member at Manila Representative Joel Chua ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte upang hindi malinlang ng mga kumakalat na fake news sa social media.
Ayon kay Chua, karapatan ng bawat Pilipino na malaman ang mga ebidensyang inilalahad sa impeachment court at ang tunay na takbo ng paglilitis.
Nagpasalamat din ito sa mga lehitimong media organization sa paghahatid ng tama at beripikadong impormasyon sa publiko.
Kasalukuyang dinidinig ng Senado ang Article II ng Impeachment Complaint na tumatalakay sa alegasyon ng Unexplained Wealth at hindi tamang financial disclosures na kinasasangkutan ng Bise Presidente at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Inaasahang magpapatuloy ang impeachment hearing sa December 1.