Mabilis na nakalusot sa plenaryo ng Senado ang panukalang ₱29.163 billion 2027 budget ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa sponsor ng COMELEC budget na si Senador Ping Lacson, tumaas sa ₱2 million ang capital outlay ng ahensya, mas mataas sa bersyon ng Kamara na nasa ₱29.161 billion.
Paliwanag ni Lacson, ang dagdag na ₱1 million na alokasyon ay para sa pagtatayo ng COMELEC Integrated Field Office buidings habang ang isa pang ₱1 million ay para sa dagdag na pondo para sa konstruksyon ng New Comelec building.
Samantala, nauna na ring nakalusot sa senate plenary ₱8.262 billion budget ng Office of the Ombudsman.
Pinalinaw lang ni Sen. Imee Marcos kay Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, budget sponsor ng Ombudsman, ang tungkol sa termino, benefits at retirement ng mga opisyal ng ahensya.