Binigyang-diin ng Malacanang na mahalaga ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan para sa mga nangangailangan, lalo na iyong mga biktima ng kalamidad o sakuna.
Pahayag ito ni Communications Undersecretary Claire Castro, sa gitna ng puna sa lumalaking utang ng Pilipinas.
Halimbawa aniya, ngayong humaharap sa banta ng very strong El Niño ang bansa na kailangang tulungan ang mga apektadong magsasaka.
Kung humihingi man aniya ng pondong pang-ayuda ang ehekutibo, ito ay dahil sa kagustuhan ng Pangulo na maramdaman ng mamamayan ang agarang tugon ng pamahalaan sa panahon ng pangangailangan.
Hindi aniya sapat na food packs lamang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ipamahagi sa mga ito, lalo’t mayroong iba’t ibang pangangnailangan ang bawat pamilya.
Dagdag pa ni Castro, hindi dapat ituro lamang kay Pangulong Marcos ang malaking utang ng bansa dahil bahagi nito ay namana pa sa mga nagdaang administrasyon.