Pabibilisin pa ng Marcos Administrasyon ang pag-abot nito sa target na makapag-tanim ng 100 milyong coconut trees bago ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa taong 2028.
“Many of our farmers still harvest from palms that their parents and grandparents once tended. Many coconut palms in the country have already reached an age that its productivity has become to declined,” pabayag ni Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan ito ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor, upang magtulungan sa inisyatibong ito, na tutugon sa kumu-konti at tumatandang populasyon ng coconut trees sa Pilipinas.
“Replacing these aging plants, however, is something many farmers cannot afford to do on their own. A new seedling takes years to bear fruit, their families need to earn in the meantime,” ayon pa sa Pangulo.
Malinaw ang bilin ng Pangulong Marcos, na hindi dapat pabayan ang mga magni-niyog sa bansa, at kailangang kumita nang mas malaki ang mga ito. “Sa ating mga magsasaka, kayo ang puso ng programang ito. Hangad ng pamahalaan na ang inyong sipag at tiyaga sa pag-aalaga sa ating mga niyugan ay masuklian ng mas maginhawang pamumuhay.”
Dahil dito, bukod sa dekalidad na punla na ibibigay sa mga maliliit na coconut farmers, bibigyan rin sila ng pagsasanay sa makabago at makakalikasang pamamaraan ng pagsasaka, gayunrin ang tulong sa paghanap ng mamimili ng kanilang produkto.
Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Friends of Hope, nasa 100,000 ektarya ng lupain sa Mindanao ang tataniman ng 10 milyong coconut trees hanggang taong 2030.
“This is the inheritance we wish to leave to our people: food security, better incomes for the next generation of farming families,” ani Pangulong Marcos.
Ang Metro Pacific Agro Ventures, magtatanim ng nasa 3.5 million coconut trees. Nasa limang milyon naman ang itatanim ng Vita Coco Community Foundation, at 1.5 milion coconut trees ang ipinangako ng Century Pacific Food, Inc.
“As of October this year, we have planted in this program that we have undertaken of the replanting, we have planted nearly 29 million coconut palms. Reaching our goal of 100 million is not going to be an easy task, but it is worth the effort and an effort of this scale calls for the participation of everyone, of course, including the private sector,” pahayag ng Pangulong Marcos.