Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado na magfo-focus ang kagawaran sa pagsasaayos ng mga kasalukuyang pasilidad pangkalusugan upang masigurong ganap na mapapakinabangan ang mga ito pagsapit ng 2028.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Sec. Mercado, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pangunahing tututukan ng DOH ang pagkumpleto sa mga nasimulang “legacy projects.”
Kabilang dito ang mga pagpapahusay sa mga specialty hospital gaya ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Children’s Hospital, Cancer Center, at iba pang mga pagamutan sa mga rehiyon upang mas mapalawak ang serbisyong medikal para sa publiko.