Magkakasunod na aktibidad ang nakalinyang puntahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw na pawang gagawin sa Iloilo.
Unang aktibidad ng Pangulo ang gagawing pangunguna sa groundbreaking ceremony ng 86-million-liter-per-day government-to-government bulk water supply project sa Barangay Talanghauan, Santa Barbara.
Layon ng proyektong ito na palakasin ang suplay ng malinis at ligtas na tubig para sa mga komunidad sa gitna na din ng nakaambang banta ng Super El Niño.
Mula rito, pangungunahan naman ni Pangulong Marcos ang turnover ceremony ng mga laptop sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Computerization Program, na naglalayong palawakin ang access ng mga mag-aaral at guro sa digital learning at modernong kagamitan sa edukasyon.
Kasunod nito ay iinspeksiyunin ng Pangulo ang Alagang OWWA Center sa Region 6 at pangungunahan ang inauguration ng Seafarers’ Welfare Center sa Iloilo City na magbibigay ng serbisyo, tulong, at suporta sa mga overseas Filipino workers at mga Pilipinong marino, kasama ang kanilang mga pamilya.