Mga puganteng dayuhan na kabilang sa mga online worker na ni-raid ng Pulisya sa Las Piñas City, umakyat na sa 7

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ngayon ng Bureau of Immigration and Deportation ang nasa pitong dayuhang fugitive na kabilang sa mga sinagip ng Philippine National Police (PNP), nang salakayin nito ang isang POGO hub sa Las Piñas City noong isang linggo.

Ito ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo ay resulta ng nagpapatuloy na profiling at documentation ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group at Immigration, sa tanggapan ng Xinchuang Network Technology Inc.

Sa ambush interview kay Fajardo sa Kampo Crame, sinabi nito na umakyat na sa apat ang bilang ng mga Chinese national, at tatlong Taiwanese ang nadiskubreng pinaghahanap ng mga awtoridad sa kanilang pinanggalingan.

Sangkot aniya ang mga ito sa mga kaso ng Fraud, Drug at Human Trafficking gayundin ng Scamming.

Dagdag pa ni Fajardo, natunton na rin ngayon ng PNP-ACG sa tanggapan ng Xinchuang Network ang IP address na ginamit sa kaso ng malawakang scamming sa China. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us