Sen. Pia Cayetano, pinatutugunan sa NEDA ang kakulangan ng healthcare professionals sa Pilipinas

Nanawagan si Senadora Pia Cayetano sa National Economic Development Authority (NEDA) na tugunan ang problema sa kakulangan ng mga healthcare professionals sa Pilipinas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa briefing sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa panukalang 2024 national budget. Ayon sa senadora, ang isyung ito ay mayroong seryosong implikasyon sa… Continue reading Sen. Pia Cayetano, pinatutugunan sa NEDA ang kakulangan ng healthcare professionals sa Pilipinas

PCSO, magkakaloob ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Camarines Norte

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga komunidad na madalas makaranas ng kalamidad. Kaugnay nito ay magkakaloob ang PCSO ng 2,000 family food packs para sa mga mahihirap na residente ng Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Egay. Kabilang sa mga ipamamahagi ng PCSO ay mga de lata, noodles,… Continue reading PCSO, magkakaloob ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Camarines Norte

VP Sara Duterte, pinangunahan ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa ilang malalayong paaralan sa Davao

Bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ngayong buwan, nakiisa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa tatlong malalayong paaralan sa Davao. Kabilang sa mga binisita ni VP Sara ang Tapak Elementary School, Gumitan Elementary School, at Dominga Elementary School kung saan sinamahan nito ang mga guro,… Continue reading VP Sara Duterte, pinangunahan ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa ilang malalayong paaralan sa Davao

Diskwento Caravan-Balik Eskwela Edition, isasagawa sa Dingras, Ilocos Norte

Isasagawa sa darating na Biyernes ang Diskwento Caravan – Balik Eskwela Edition ng Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte. Ayon sa DTI Ilocos Norte, mga murang school supplies pero de kalidad, bundled at discounted grocery items, apparels, bags, appliances at iba pa ang ibebenta. Magbubukas ang Diskwento Caravan mula… Continue reading Diskwento Caravan-Balik Eskwela Edition, isasagawa sa Dingras, Ilocos Norte

Las Piñas LGU, maghahatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga senior citizen

Nakatakdang maghatid ng libreng serbisyong medikal ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa kanilang mga senior citizen. Kabilang sa mga ipagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng kanilang City Health Office ay ang libreng konsultasyon at sasamahan pa ng pamamahagi ng vitamins, oral health check at dental kits. May libreng enrollment din para sa… Continue reading Las Piñas LGU, maghahatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga senior citizen

Matinding buhos ng ulan nitong nakaraang sabado, tinitingnang dahilan ng PHIVOLCS sa pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Malagutay, sa Zamboanga City

Tinitingnang dahilan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Region IX ang matinding buhos ng ulan nitong nakaraang Sabado ang sanhi ng pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Purok 5, sa lungsod ng Zamboanga kahapon. Ayon kay PHIVOLCS IX Regional Field Officer Engr. Alan Labayog, nagpapatuloy pa rin ang pagguho ng lupa dahil kumpara… Continue reading Matinding buhos ng ulan nitong nakaraang sabado, tinitingnang dahilan ng PHIVOLCS sa pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Malagutay, sa Zamboanga City

Anim na pamilya sa Cebu, pinalikas dahil sa landslide

Pansamantala munang pinalikas ang nasa 6 na pamilya mula sa Sitio Riverside Brgy. Pulangbato, lungsod ng Cebu kasabay ng nangyaring pagguho ng lupa kahapon ng hapon. Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office head, Harold Alcontin ang gumuhong lupa sa nasabing lugar ay bahagi ng inabandonang quary site. Dahil sa nararanasang pag-ulan… Continue reading Anim na pamilya sa Cebu, pinalikas dahil sa landslide

Presyo ng mga imported na bigas sa mga palengke sa Cebu City, bahagyang tumaas

Mahigpit na minomonitor ng Market Operations Division (MOD) sa lungsod ng Cebu ang presyo ng imported na bigas kasunod ng napapaulat na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan. Ayon kay MOD Chief Robert Barquilla, base sa kanilang monitoring nasa P2 – P4 bawat kilo ang itinaas sa presyo ng bigas ngayong buwan ng Agosto… Continue reading Presyo ng mga imported na bigas sa mga palengke sa Cebu City, bahagyang tumaas

Pagtatatanggal sa mga dekorasyon sa mga silid-aralan, ipinag-utos ni VP Sara

Ipinag-utos ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa lahat ng paaralan na tanggalin ang mga nakapaskil na educational posters sa loob ng silid-aralan. Ito ang kanyang inihayag sa pagbisita nito sa Dominga Elementary School sa Calinan District, Davao City para sa Brigada Eskwela nitong Miyerkules (Agosto 16, 2023). Giit ng Pangalawang… Continue reading Pagtatatanggal sa mga dekorasyon sa mga silid-aralan, ipinag-utos ni VP Sara

Bivalent vaccine kontra COVID-19, papaubos na; publiko, hinikayat na magpabakuna na

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na samantalahin na ang pagkakataon na makapagpabakuna ng Bivalent Vaccines kontra COVID-19. Ito ang inihayag ni DOH Spokesperson, Dr. Eric Tayag makaraang iulat nito sa pulong balitaan ngayong araw na papaubos na ang suplay ng nasabing bakunang gawa ng kumpaniyang Pfizer. Sinabi ni Tayag na nasa 69%… Continue reading Bivalent vaccine kontra COVID-19, papaubos na; publiko, hinikayat na magpabakuna na