Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naulilang pamilya ng mga pasaherong nasawi sa paglubog ng motorbanca sa Binangonan, Rizal. Sa ulat ng DSWD Field Office CALABARZON, may 18 pamilya mula sa Talim Island ang pinagkalooban na ng P10,000 bawat isa. Sumailalim na rin sa simultaneous psychological first… Continue reading Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Mahigit 30 pamilya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan, inilikas ng LGU dahil sa pagbaha

Mayroong 34 na pamilya mula sa dalawang barangay ng bayan ng Aguilar ang inilikas ng LGU dahil sa pagbaha sa kanilang mga lugar. Pansamantalang nananatili sa Tampac Integrated School ang 19 na pamilya na binubuo ng 59 na mga indibidwal na nagmula sa Barangay Bocboc West. Karagdagang 15 na pamilya na binubuo din ng 59… Continue reading Mahigit 30 pamilya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan, inilikas ng LGU dahil sa pagbaha

MMDA, nagpadala ng mga tauhan sa CAR para tumulong sa mga sinalanta ng bagyo

Tumulak na kagabi ang 20-man team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) papuntang Cordillera Administrative Region para tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Egay. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang contingent ay mula sa Public Safety Division ng MMDA. Tatlong team ang ipinadala sa Kabayan, Abra habang ang isang team naman ang… Continue reading MMDA, nagpadala ng mga tauhan sa CAR para tumulong sa mga sinalanta ng bagyo

Kauna-unahang Pilipinang Cabinet Minister, itinalaga sa Canada

Ikinagalak ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang pagkakatalaga kay Member of the Parliament Rechie Valdez bilang Minister of Small Business. Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Maria Andrelita Austria, ang pagkakatalaga kay Valdez ay ipinapakita lamang muli ang makabuluhang kontribusyon ng mga Filipino-Canadian. Umaasa ang embahador na marami pang mga Filipino-Canadians ang mabibigyan niya… Continue reading Kauna-unahang Pilipinang Cabinet Minister, itinalaga sa Canada

Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

Pumalo na sa P832,816,645 ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan dulot ng bagyong Egay at Habagat. Habang nasa P1.191 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa Region 1 MIMAROPA, Region 5, 6, 11, 12 at Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas na may… Continue reading Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

Hiningan ng report ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region. Sa situation briefing, sinabi ng Pangulo na kahit hindi pa pinal ang report dahil inaasahang tataas pa ang datos ng mga recorded damages ay nais niya ng makuha ang… Continue reading PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

May dalawang libong family food packs ang hinatid ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa Calayan Island. Ang food packs ay isinakay sa sasakyang pandagat para ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat. Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdimand R.… Continue reading DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Bukas ng umaga inaasahang mailalabas ang resulta ng canvassing ng plebisito sa Bacoor, Cavite ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaasahang lalabas ang resulta ng canvassing sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga. Sinabi ng opisyal na magsisimula ang pagbilang ng mga boto sa mga presinto sa… Continue reading Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

Kapwa makatatanggap ng cash assistance at construction materials ang mga biktima ng kalamidad at residenteng nasiraan ng tahanan dulot ng bagyong Egay. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa situation briefing na ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ay gagawin lalo’t may mga kailangan ang mga naapektuhan ng bagyo na hindi nila makukuha sa mga… Continue reading Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

PBBM, namahagi ng tulong sa mga taga-Abra na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyong #EgayPH

Kasabay ng pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente sa lalawigan ng Abra, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibabalik sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga serbisyo na kinakailangan. Sinabi ng Pangulo na mula sa water supply at suplay ng kuryente ay ikakasa din ng pamahalaan ang rehabilitation at rebuilding kasunod… Continue reading PBBM, namahagi ng tulong sa mga taga-Abra na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyong #EgayPH