Pagdedeklara ng Kongreso sa Verde Island Passage bilang isang “protected area”, isinusulong ng isang partylist solon

Isinusulong ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee na maideklara ng Kongreso ang Verde Island Passage o VIP bilang isang “protected area.” Ang Verde Island Passage o VIP ay sentro ng “marine biodiversity” ng mundo, at tahanan ng higit sa 300 coral species, 170 na uri ng mga isda, at libo-libong marine organisms. Ang VIP ay… Continue reading Pagdedeklara ng Kongreso sa Verde Island Passage bilang isang “protected area”, isinusulong ng isang partylist solon

Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Buo ang paniniwala ni Senador Alan Peter Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging “game-changer” sa Pilipinas ngunit sinabi nitong dapat magtulungan ang publiko at pribadong sektor upang ganap itong maipatupad sa bansa. “We must see e-governance as a blessing to our country because it makes government services more efficient, less prone to corruption, and… Continue reading Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

NWRB pinaghahandaan na ang contigency plan sa posibleng pagpasok ng el niño sa ating bansa

Pinaghahandaan na ng National Water Resources Board ang magiging contegency plan ng ating bansa sa posibleng pagpasok ng El Niño phenomenon na magkakaroon ng supisyenteng supply ng tubig sa ating bansa Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, whole of government approach na ang kanilang ginagawang hakbang upang mapangalagaan ang seguridad sa supply ng tubig… Continue reading NWRB pinaghahandaan na ang contigency plan sa posibleng pagpasok ng el niño sa ating bansa

DOT, naglunsad ng regional “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region

Naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region upang magkaroon ng domestic promotion ang ating bansa sa pagpapakilala ng mga ipinagmamalaking tourism sites sa ating bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng paglulunsad ng region wide “Bisita Be My Guest” program na ipromote ang tourism sites… Continue reading DOT, naglunsad ng regional “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region

Deputy Speaker Recto, kumpiyansang mas tatatag pa ang institusyon ng House of Representatives matapos ang kinaharap nitong isyu

Naniniwala si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na lilipas din ang aniya’y ‘political tampuhan’ sa Kamara. Kasunod ito nang nangyaring rigodon sa House leadership kung saan ibinaba Deputy Speaker si dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo mula sa dating pagiging Senior Deputy Speaker, dahil sa napaulat na ‘coup’ laban kay House Speaker Martin Romualdez,… Continue reading Deputy Speaker Recto, kumpiyansang mas tatatag pa ang institusyon ng House of Representatives matapos ang kinaharap nitong isyu

DOE, bubuo ng special task force para reviewhin ang pag-aaral ng nuclear energy bilang tugon sa kakulangan ng supply ng enerhiya sa bansa

Nakatakdang bumuo ng Special Task force ang Department of Energy (DOE) para reviewhin ang mga pag-aaral sa Nuclear Energy para tumugon sa karagdagang supply ng enerhiya sa bansa. Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales na bukas ang kanilang kagawaran sa ideya na muling isama ang nuclear energy na mapagkunan ng enerhiya dahil aniya, malaki ang… Continue reading DOE, bubuo ng special task force para reviewhin ang pag-aaral ng nuclear energy bilang tugon sa kakulangan ng supply ng enerhiya sa bansa

Kamara, mas pagtutuunan ang trabaho kaysa politika ayon kay House Speaker Martin Romualdez

“The House of the People is in order.” Ito ang pagtitiyak ni House Speaker Martin Romualdez kasunod na rin ng ‘leadership shakeup’ nitong nakaraang linggo Ayon sa House leader, mananatiling nakatuon ang House of the People sa pag-pasa ng mga panukalang batas at polisiya na tutugon sa problema ng mga Pilipino. Hindi rin aniya sila… Continue reading Kamara, mas pagtutuunan ang trabaho kaysa politika ayon kay House Speaker Martin Romualdez

Lokal na pamahalaan ng Zamboanga, pinamunuan ang paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial sa lungsod

Inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng City Health Office ang paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial na isinagawa sa Paseo del Mar, lungsod ng Zamboanga kamakailan. Kabilang sa mga nakilahok sa naturang aktibidad ang mga medical practitioner, health workers, mga advocate at stakeholders sa lungsod. Layon ng candlelight memorial na gunitain… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Zamboanga, pinamunuan ang paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial sa lungsod

DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFWs na naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait

Nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipinong naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, aabot sa 815 na overseas Filipino workers (OFWs) na hindi natuloy sa kanilang work deployment sa Kuwait ang nakatakdang mabigyan ng DMW ng financial assistance na aabot… Continue reading DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFWs na naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait

Opisina ng NPD-DEU sa Caloocan, pinaulanan ng bala at hinagisan ng granada

Pinagbabaril at hinagisan ng granada ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang opisina ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Dagat-dagatan, Caloocan City. Ayon kay Northern Police District Director PBGEN. Rogelio Peñones, pasado alas-2:00 ng madalinng araw nang mangyari ang insidente. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NPD, nasa loob ng opisina ang… Continue reading Opisina ng NPD-DEU sa Caloocan, pinaulanan ng bala at hinagisan ng granada