P1.7-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Roxas City, Capiz

Tuloy-tuloy ang operasyon ng Police Regional Office 6 laban sa iligal na droga. Sa Brgy. Tiza, Roxas City, Capiz, nasa P1.7-million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Special Drug Enforcement Team ng Roxas City Police Station sa ikinasang buy-bust operation. Arestado sa operasyon si Richard Ferrer, 38 taong gulang at residente ng… Continue reading P1.7-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Roxas City, Capiz

Kaso ng pang-aabuso sa kababaihan, bahagyang bumaba ayon sa Women Council Development ng Jolo Municipal Police Station

Patuloy ang isinasagawang kampanya sa Violence Against Women and Children ng Women Council Police Development o WCPD ng Jolo Municipal Police Station (MPS) ukol sa karapatan ng mga kababaihan kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s month nitong buwan ng Marso. Kaugnay nito, inihayag ni PMSG Sitti Vilma Hassan, Women Council Police Development Police Non Commission Officer… Continue reading Kaso ng pang-aabuso sa kababaihan, bahagyang bumaba ayon sa Women Council Development ng Jolo Municipal Police Station

Petisyon na alisin bilang miyembro ng Kamara si NegOr Rep. Arnie Teves, nasa kamay na ng Ethics Committee

Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chair Felimon Espares na natanggap na ng kanilang committee secretariat ang routing letter kaugnay sa inihaing petisyon ni Pamplona Mayor Janice Degamo para alisin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnie Teves. March 22 nang pormal na matanggap ng Kamara ang naturang liham ni Mayor… Continue reading Petisyon na alisin bilang miyembro ng Kamara si NegOr Rep. Arnie Teves, nasa kamay na ng Ethics Committee

Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa

Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko kaugnay ng operasyon ng Pasig River Ferry System sa papalapit na Semana Santa. Ayon sa MMDA, suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry System simula Miyerkules Santo, Abril 5 hanggang sa Lunes, Abril 10. Dahil dito, sinabi ng MMDA na kanilang gagamitin ang pagkakataong… Continue reading Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa

Panawagan ng ACT na hiring ng 30,000 dagdag na public school teachers, kuwestyonable ang intensyon ayon kay Vice President Sara Duterte

Binara ni Vice President Sara Duterte ang suhestyon ng Alliance of Concerned Teachers sa Department of Education na mag-hire ng 30,000 public school teachers at maglaan ng P100-B pondo kada taon. Sa isang statement, tinawag ni VP Sara na mapanlinlang ang pahayag ng ACT dahil idinisenyo lamang ito para kontrahin ang solusyon ng administrasyong Marcos… Continue reading Panawagan ng ACT na hiring ng 30,000 dagdag na public school teachers, kuwestyonable ang intensyon ayon kay Vice President Sara Duterte

DMW Sec. Susan Ople, dadalo sa ika-21 sesyon ng UN Committee on the Protection of the Rights of all Migrant Workers and Members of their Families sa Geneva, Switzerland

Pangungunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan “Toots” Ople ang delegasyon ng Pilipinas sa ika-21 sesyon ng UN Committee on the Protection of the Rights of all Migrant Workers and Members of their Families sa Geneva, Switzerland. Dito, ilalatag ni Ople ang mga ginawang pagtugon ng Pilipinas sa International Convention on the Protection… Continue reading DMW Sec. Susan Ople, dadalo sa ika-21 sesyon ng UN Committee on the Protection of the Rights of all Migrant Workers and Members of their Families sa Geneva, Switzerland

Outstanding performance ng Philippine Men’s Ice Hockey Team sa 2023 IIHF Divisional World Championship, pinapurihan ni Pangulong Marcos Jr.

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Men’s Ice Hockey Team at Hockey Philippines para sa pagkapanalo sa katatapos lamang na 2023 International Ice Hockey Federation Divisional World Championship sa Mongolia. Sa maikling mensahe ng Pangulo, kinilala nito ang natatanging performance ng koponan na ipinamalas sa nasabing patimpalak. “Our warmest congratulations… Continue reading Outstanding performance ng Philippine Men’s Ice Hockey Team sa 2023 IIHF Divisional World Championship, pinapurihan ni Pangulong Marcos Jr.

Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon. Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis;… Continue reading Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Dalawang suspek, arestado matapos makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng P238K

Arestado ng mga tauhan ng Substation 4 Muntinlupa City Police ang dalawang drug suspect habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ngayong Linggo ng umaga sa Zone 1 Sitio Pagkakaisa, Brgy. Sucat, Muntinlupa City. Kinilala ni PBGen. Kirby John Brion Kraft, DD, SPD ang mga suspek na sina Albaser Makakua, 22 taong gulang at Sandy Jardinico, 47… Continue reading Dalawang suspek, arestado matapos makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng P238K

Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

Nagtagpuang patay ang maglive-in partner matapos umanong magsaksakan sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4 Package 6 Barangay. 176, Caloocan City. Kinilala ang mga nasawi na sina Julieta Espaniola, 46 anyos, at ang kinakasama nitong si Edgardo Mananqui, 50 anyos. Ayon sa mga tauhan ng Barangay 176, alas-8:30 ng umaga kanina nang madiskubre ang… Continue reading Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak