Pagpapataas sa rice buffer stock, kailangan bago tumama ang El Niño

Inilatag ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga agarang aksyon upang masolusyunan ang tinatawag na food inflation sa bansa. Ito ang naging laman ng ulat ni NEDA USec. Rosemarie Edillon sa naging pagpupulong ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) kamakailan. Sa kaniyang ulat, sinabi ni Edillon na kailangang pataasin… Continue reading Pagpapataas sa rice buffer stock, kailangan bago tumama ang El Niño

Bagong PNP Chief, bukas sa puna ng mga kritiko

Welcome kay bagong PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagpuna ng mga kritiko. Sa kaniyang mensahe matapos na manumpa sa kaniyang bagong katungkulan ngayong umaga, sinabi ni Gen. Acorda na ang mga kritiko ay nagsisilbing “check and balance” ng PNP. Kasabay nito, nanawagan naman sa mga miyembro ng media si Acorda na suportahan… Continue reading Bagong PNP Chief, bukas sa puna ng mga kritiko

Ground operation sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang mga pagkidlat

Naglabas ng Lightning Red Alert ang Manila International Airport Authority ngayong 11:24 ng umaga. Kanselado muna ang ground operation sa paliparan dahil sa pagkidlat. Ayon sa MIAA, ginawa ang pansamantalang tigil operasyon para matiyak ang seguridad ng pasahero at mga tauhan doon. | ulat ni Don King Zarate Agad maglalabas ng Abiso ang MIAA kapag… Continue reading Ground operation sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang mga pagkidlat

Sunog sa Taguig, naapula na

Alas-9:02 ngayong umaga nang ideklarang “Fire Out” ang sunog sa Purok 7, PNR Site, FTI Western Bicutan, Taguig City. Aabot sa 15 bahay ang natupok. Dikit-dikit ang bahay sa lugar at pahirapan bago mapasok ng mga bumbero. Ayon kay Fire Supt. Eddie Tanawan, patuloy pa nilang inaalam kung paano nagsimula ang sunog na mabot sa… Continue reading Sunog sa Taguig, naapula na

Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Nais ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na palakasin pa ang kapasidad ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA). Sa kaniyang pagharap sa PMMA kamakailan para sa pagpapasinaya ng life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal, sinabi nito na inaaral na sa kamara ang pag-convert… Continue reading Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Nagsimula na ngayong araw ang SIM-assisted registration ng Quezon City Local Government para sa mga residente nitong hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang SIM. Kaninang alas-10 ng umaga, may ilan nang nakapila sa mga booth ng telco na Globe at Smart na nakapwesto sa loob ng QC Hall Compound. Kabilang dito ang ilang senior citizen na… Continue reading Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Landbank at DBP merger, pinabubusisi sa senado

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate Inquiry patungkol sa panukalang merger ng Development Bank of the Philippines (DBP) at ng Land Bank of the Philippines. Sa inihaing Senate Resolution 579 ng senadora, muli nitong pinahayag ang kaniyang agam-agam sa “potential risk at benefits” na maaaring idulot ng hakbang na ito sa ekonomiya… Continue reading Landbank at DBP merger, pinabubusisi sa senado

SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapasinaya sa life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Philippine Merchant Marine Academy sa San Narciso, Zambales. Ito ay bilang pagkilala ng PMMA sa paglagda ng dating pangulo sa batas na nagco-convert sa Philippine Nautical School bilang… Continue reading SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Senadora Loren Legarda, nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Nakiisa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Sa isang pahayag, kinilala ni Legarda ang mga kontribusyon ng mga kapatid na muslim sa pag-unlad ng bansa. Sinabi ng senadora na ang matatag na dedikasyon ng mga kapatid nating muslim sa kanilang pananampalataya, kultura, at tradisyon ay nagpapayaman sa ating lipunan.… Continue reading Senadora Loren Legarda, nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Suspek sa pagpatay sa isang senior citizen sa QC, huli sa isinagawang follow-up ops sa Caloocan

Nahuli sa follow-up operation ng pulisya sa Caloocan City ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagpatay sa kapitbahay na babaeng senior citizen sa Novaliches, Quezon City. Kinilala ni PLtCol. Jerry Castillo, hepe ng QCPD Station 4, ang suspek na si Jason De Guzman. Nakalista siya bilang Top 5 Most Wanted person ng naturang istasyon.… Continue reading Suspek sa pagpatay sa isang senior citizen sa QC, huli sa isinagawang follow-up ops sa Caloocan