P150 billion assets ng Philippine Reclamation Authority, handa nitong itulong sa pamahalaan

Tiniyak ng pamumuan ng Philippine Reclamation Authority na mahaba ang pisi ng kanilang pwedeng itulong sa pamahalaan. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PRA Asst. General Manager Joselito Gonzales na madadagdagan pa ang kasalukuyang P150 bilyon na unaudited asset nito sa oras na kumita na ang mga investment ng kanilang ahensya. Giit ng mga opisyal… Continue reading P150 billion assets ng Philippine Reclamation Authority, handa nitong itulong sa pamahalaan

Pilipinas at South Africa, nagkasundong palakasin ang relasyong pandepensa

Nagkasundo ang Pilipinas at South Africa na palakasin ang relasyong pandepensa at tumuklas ng mga bagong larangang pang-kooperasyon. Ito’y sa pakikipagpulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay Ambassador of South Africa to the Philippines H.E. Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, sa pagbisita ng huli sa DND. Tinukoy ni Sec. Teodoro ang Logistics at… Continue reading Pilipinas at South Africa, nagkasundong palakasin ang relasyong pandepensa

PSA, tiniyak ang accessible na serbisyo ng PhilSys para sa lahat

Sinisiguro ng Philippine Statistics Authority na accessible sa lahat ng mamamayang Pilipino ang serbisyo ng Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, sinisikap ng ahensya na malibot ang lahat ng rehiyon at lalawigan para sa PhilSys registration . Sinabi pa niya na lahat ng tauhan… Continue reading PSA, tiniyak ang accessible na serbisyo ng PhilSys para sa lahat

Resulta ng cost benefit analysis ng pamahalaan kaugnay sa PhilHealth premium increase, malapit nang matapos

Patuloy pang tinitimbang ng pamahalaan kung itutuloy o ipagpapaliban muna ang pagtaas ng premium contribution ng PhilHealth, mula sa 4% patungong 5%. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lumalawak ang serbisyo ng PhilHealth, at sinisikap ng tanggapan na maabot ang mas maraming Pilipino. Halimbawa aniya ang pagbabayad ng mas maraming dialysis session para sa… Continue reading Resulta ng cost benefit analysis ng pamahalaan kaugnay sa PhilHealth premium increase, malapit nang matapos

Desisyon ng Pilipinas kontra sa imbestigasyon ng ICC, muling iginiit ng DOJ

Muling binigyang diin ng Department of Justice na hindi magbabago ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa nais ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte. Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mananatili ang polisiya ng pamahalaan na walang karapatan ang ICC… Continue reading Desisyon ng Pilipinas kontra sa imbestigasyon ng ICC, muling iginiit ng DOJ

Tulong sa mga apektado ng reclamation projects, tiniyak ng PRA

Siniguro ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority(PRA) na may ginagawa ang kanilang ahensya para matulungan ang publiko na apektado ng mga reclamation projects. Ayon kay PRA Asst. General Manager Atty. Joseph Literal, mayroon silang Social Development Management Plan na siyang direktang aktibidad na nakalaan para sa mga apektado ng ibat ibang proyekto ng PRA. Paliwanag… Continue reading Tulong sa mga apektado ng reclamation projects, tiniyak ng PRA

PCIC, may nakahandang P1.8-B na insurance para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño

Siniguro ng Department of Agriculture na mayroong mga nakalatag na tulong ang pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño. Sa briefing na ipinatawag ng House Committee on Agriculture and Food sinabi ni Lorna Belinda Calda, OIC ng Field Programs Operational Planning Division ng DA na isa sa mga intervention ay ang… Continue reading PCIC, may nakahandang P1.8-B na insurance para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño

Fiscal year 2023, matagumpay na natapos ng PRA

Napagtagumpayan ng Philippine Reclamation Authority ang fiscal year 2023. Ito ang ipinagmalaki ng ahensya matapos makapagtala ng P150 bilyon na unaudited asset nito. Ayon sa PRA, nakuha nila ang nasabing asset dahil sa pamumuno nina PRA Chairperson Alex Lopez, PRA General Manager at CEO Cesar Siador Jr. at ang buong board of directors nito. Paliwanag… Continue reading Fiscal year 2023, matagumpay na natapos ng PRA

Budget para sa Health Facilities Enhancement Program, tumaas ngayong taon ayon sa DBM

Alinsunod sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng reporma sa sektor ng kalusugan sa bansa, kinumpirma ni Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman ang pagtaas ng pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act na umabot na sa… Continue reading Budget para sa Health Facilities Enhancement Program, tumaas ngayong taon ayon sa DBM

Pagpapataw ng farm gate price sa mga highly perishable na gulay, itinutulak ng Benguet solon

Inihain ni Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill 9889, o panukala na bigyang-kapangyarihan ang Department of Agriculture o DA na magpatakda ng “farm gate prices” para sa mga “highly perishable” na gulay. Tinukoy ni Yap na ngayong Enero ay napaulat na libo-libong repolyo ang ibinebenta sa mga kalsada ng Benguet sa halagang tatlong piso… Continue reading Pagpapataw ng farm gate price sa mga highly perishable na gulay, itinutulak ng Benguet solon