Reserve force ng Philippine Army, halos isang milyon na

Halos isang milyon na ang kabilang sa reserve force ng Philippine Army. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, target ng Philippine Army na mas lalo pang palakasin ang pwersang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga karagdagang regional at community defense centers. Sa kasalukuyan aniya ay may mga bagong inorganisang mga grupo at… Continue reading Reserve force ng Philippine Army, halos isang milyon na

Aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week, binuksan na ng LTFRB

Tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit applications para sa mga bus na bibiyahe sa darating na Semana Santa. Ito ay para masigurong may sapat na bilang ng bus sa mga lugar na bultu-bulto ang pasahero. Ayon sa LTFRB, tatagal ang filing ng special permits (SP) hanggang sa March… Continue reading Aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week, binuksan na ng LTFRB

San Juan LGU, bukas sa diyalogo matapos mabunyag sa Senado ang umano’y ayuda scam

Nanindigan si San Juan City Mayor Francis Zamora na walang anomalya sa pamamahagi nila ng tulong sa mga mahihirap na residente ng lungsod. Ito ang sagot ng alkalde kasunod ng ginawang pagbubunyag ni Sen. JV Ejercito sa kaniyang privilege speech hinggil sa umano’y ayuda scam. Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Zamora na nakarating na… Continue reading San Juan LGU, bukas sa diyalogo matapos mabunyag sa Senado ang umano’y ayuda scam

Seguridad sa pamilya ni Jemboy Baltazar, tiniyak ng Navotas police

Tiniyak ng Navotas City Police ang patuloy na paghahatid ng seguridad sa pamilya ng napaslang na binatang si Jemboy Baltazar. Ito’y matapos ang inilabas na hatol ng hukom sa limang pulis na sangkot sa pamamaril sa binata dahil sa ‘mistaken identity’. Ayon kay Navotas City Police Station Chief PCol Mario Cortes, batid nito ang pangamba… Continue reading Seguridad sa pamilya ni Jemboy Baltazar, tiniyak ng Navotas police

Presensya ng Chinese Navy sa WPS, ikinababahala ni Pangulong Marcos; Pilipinas, tuloy sa pagdepensa

Nakakabahala na hindi na lamang basta Chinese Coast Guard ang nakikita sa West Philippine Sea bagkus ay mayroon na ring presensya ng Chinese Navy na sumasama pa sa fishing boat. “It’s worrisome because there are two elements to that. One, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin, ngayon may Navy… Continue reading Presensya ng Chinese Navy sa WPS, ikinababahala ni Pangulong Marcos; Pilipinas, tuloy sa pagdepensa

6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal, sumuporta sa Transformation Program para sa mga dating rebelde

Malugod na tinanggap ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang suporta ng 6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal mula sa Caraga at Northern Mindanao regions, sa Transformation Program (TP) para sa mga dating rebelde. Ito’y sa isinagawang diyalogo sa pagitan ng mga gobernador ng regions X at… Continue reading 6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal, sumuporta sa Transformation Program para sa mga dating rebelde

PAF at DA, nagsagawa ng cloud seeding operations para makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng El Niño

Nagsagawa ng cloud-seeding Operations ang Philippine Air Force, Department of Agriculture Region 2 at Bureau of Soils and Water Management simula nitong Pebrero 25. Alinsunod ito sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang “whole of Government Approach” upang maibsan ang epekto ng El Niño. Gamit ang… Continue reading PAF at DA, nagsagawa ng cloud seeding operations para makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng El Niño

House panel chair, nagpaabot ng pabuyang ₱10-M sa PNP matapos ma-nutralisa ang Concepcion gang

Sampung milyong pisong pabuya ang ibinigay ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa Philippine National Police (PNP) matapos tuluyang mabuwag ang Concepcion Criminal Group. Enero nang ma-nutralisa ng operatiba ng pambansang pulisya si Gilbert Saysay Concepcion na siyang lider ng grupo, kasama ang isa pang miyembro nito na si Laeco Josie Quite Saysay sa… Continue reading House panel chair, nagpaabot ng pabuyang ₱10-M sa PNP matapos ma-nutralisa ang Concepcion gang

Pagpapa-deport kay dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves, hiningi na ng DOJ sa Pamahalaang Timor Leste

Tuluyan nang kinansela ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves. Ito’y matapos aprubahan ng korte kamakailan ang kanselasyon ng kaniyang pasaporte. Dahil dito, agad sumulat ang Department of Justice sa gobyerno ng Timor Leste para hingiin ang deportasyon laban sa dating kongresista. Ayon kay Justice Assistant Sec. Mico… Continue reading Pagpapa-deport kay dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves, hiningi na ng DOJ sa Pamahalaang Timor Leste

Gobyerno, puspusan ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura upang maresolba ang traffic congestion sa bansa

Upang makamit ang hangarin na Bagong Pilipinas, komited ang Department of Finance na ihatid ang epektibo at episyenteng mass transportation system sa bansa na pangunahing pangangailangan para sa ‘inclusive growth’. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, pagsusumikapan ng gobyerno na hindi masayang ang pinaghirapang buwis ng taumbayan dahil sa perwisyo ng trapik kaya puspusan ang… Continue reading Gobyerno, puspusan ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura upang maresolba ang traffic congestion sa bansa