OFW Party-list solon, mariing kinondena ang trafficking ng mga Pilipina bilang surrogate sa Cambodia

Labis na ikinabahala ni OFW Party-list Rep. Marissa Magsino ang napaulat na trafficking in person ng 20 Pilipina sa Cambodia para maging mga ‘surrogate’. Mas nakaka-alarma aniya dito ay 13 sa mga kababaihang ito ay nasa iba’t ibang stage na ng pagdadalang tao. Mariin na kinokondena ni Magsino ang pananamantala sa nasagip na mga Pilipina… Continue reading OFW Party-list solon, mariing kinondena ang trafficking ng mga Pilipina bilang surrogate sa Cambodia

Gastos para sa pagpapagawa ng NSB, posibleng umabot ng higit ₱33-B

default

Inilatag ni Senate Committee on Accounts Chairperson, Senador Alan Peter Cayetano ang dalawang bagay na ikinabahala niya sa plano para sa New Senate Building. Ayon kay Cayetano, matapos ang rebyu na ginawa nila sa plano ng pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado, kasama sa mga hindi nila sinasang-ayunan na tugon ng DPWH ay ang timeline… Continue reading Gastos para sa pagpapagawa ng NSB, posibleng umabot ng higit ₱33-B

Iba’t ibang transport infrastructure projects sa Mindanao, isinusulong ng DOTr

Passengers line up to ride one of the buses in the early rollout of Davao City’s interim High Priority Bus System along Roxas Street in this photo taken in December 2021. MindaNews photo by YAS D. OCAMPO

Isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang transport infrastructure projects sa Mindanao upang mapabilis ang pag-unlad ng rehiyon. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, malaki ang maitutulong ng maayos na sistema ng transportasyon sa paglago ng ekonomiya ng Mindanao. Sa kanyang talumpati sa 1st Mindanao Infrastructure Summit sa Davao City, binigyang-diin ni… Continue reading Iba’t ibang transport infrastructure projects sa Mindanao, isinusulong ng DOTr

Pagdinig ng Senado tungkol sa mga isyu kay Pastor Apollo Quiboloy, itutuloy na sa October 23

Matapos ang halos kalahating taon, ipagpapatuloy na ng Senate Committee on Women ang pagdinig nito tungkol sa mga alegasyon ng pang-aabuso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader, Pastor Apollo Quiboloy sa mga miyembro nito. Ayon kay Committee Chairperson, Sen. Risa Hontiveros, gagawin nila ang pagdinig sa October 23, Miyerkules, sa ganap na alas-10 ng… Continue reading Pagdinig ng Senado tungkol sa mga isyu kay Pastor Apollo Quiboloy, itutuloy na sa October 23

DND, naglatag ng mga nais nilang pagbabago sa ROTC bill

Posible pang maipasa ng Senado ang panukalang mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) bago matapos ang 19th Congress ayon kay Senate President Chiz Escudero. Gayunpaman, aminado si Escudero na may ilang mga isyu pa ang Department of National Defense sa ROTC bill. Ayon sa Senate leader, base sa pakikipagpulong nila sa DND at sa AFP,… Continue reading DND, naglatag ng mga nais nilang pagbabago sa ROTC bill

Kadiwa ng Pangulo stores, palalawakin pa ng DA

Target ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 1,500 na Kadiwa ng Pangulo stores sa buong bansa upang marami pang Pilipino ang makabili ng abot-kayang pagkain at pangunahing bilihin. Layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na direktang ibenta ang kanilang mga ani sa mga mamimili. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve… Continue reading Kadiwa ng Pangulo stores, palalawakin pa ng DA

3 miyembro ng CTG, nahuli ng militar sa Apayao; mga armas at pampasabog, nasamsam

Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na konektado sa Regional Guerilla Unit ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ang nadakip sa magkasanib na operasyon ng militar at pulisya. Batay sa ulat mula sa Northern Luzon Command, ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTG) ay nahuli sa Barangay Manag, Conner, Apayao, noong Oktubre 8. Naging matagumpay… Continue reading 3 miyembro ng CTG, nahuli ng militar sa Apayao; mga armas at pampasabog, nasamsam

Cybersecurity ng Pilipinas, dapat gawing national security concern — Sen. Sherwin Gatchalian

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ikonsidera bilang national security concern ang cybersecurity ng Pilipinas. Ayon kay Gatchalian, dapat isipin ng DICT na bahagi ng national security ang cybersecurity ng Pilipinas habang wala pang batas kaugnay nito. Giit ng senador, dapat may ‘sense of urgency’ sa usaping… Continue reading Cybersecurity ng Pilipinas, dapat gawing national security concern — Sen. Sherwin Gatchalian

DND, magsusumite sa Kongreso ng panukalang amyenda sa Espionage Law

Nakatakdang magsumite ang Department of National Defense (DND) ng kanilang mungkahing amyenda sa Espionage Law. Ito ang ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero matapos ang kanilang pagpupulong kasama sina Defense Secretary Gibo Teodoro at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Escudero, kabilang sa mga dapat linawin sa kasalukuyang Espionage Law… Continue reading DND, magsusumite sa Kongreso ng panukalang amyenda sa Espionage Law

Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025

Photo courtesy of Councilor Wowee Manguerra FB page Tunggaliang Mayor Emi Calixto-Rubiano at Councilor Wowee Manguerra ang matutunghayan ng mga Pasayeño sa 2025 local elections sa lungsod. Ito ay matapos humabol sa filing kahapon (October 8 ) si Manguerra ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkaalkalde ng lungsod Pasay. Plataporma ng opisyal na palakasin… Continue reading Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025