CSC, may paalala sa mga kukuha ng Career Service Exam sa Aug. 20

Naglabas ng ilang paalala ang Civil Service Commission sa mga examinee ng nakatakdang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa darating na Linggo, Aug. 20 Ayon sa CSC, ngayong nakapaskil na sa Online Notice of School Assignment o ONSA ang testing venue o school assignment ay mas mainam kung mabibisita na ito ng examinees… Continue reading CSC, may paalala sa mga kukuha ng Career Service Exam sa Aug. 20

Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

Nag-abiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang customer nito sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, maging sa Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite, mula Aug. 21 hanggang Aug. 22 Ito ay dahil sa naka-iskedyul na pag-shutdown nito ng mga planta sa Putatan, Muntinlupa.… Continue reading Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

DSWD, tiniyak na minamadali na ang pagbibigay ng payout sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na minamadali na nito ang payout para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Ito ay matapos magkaroon ng pagkaantala sa payout ng 4Ps ngayong taon dahil sa ginagawang re-assessment ng ahensya sa mga benepisyo ng programa. Ayon kay DSWD Secretary Rex… Continue reading DSWD, tiniyak na minamadali na ang pagbibigay ng payout sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Bukas si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kung sakaling magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado sa nangyaring pagpatay ng mga tauhan ng Navotas City Police kay Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek sa krimen. Sa isang ambush interview matapos pormal na buksan ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Marikina ngayong umaga, sinabi… Continue reading Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa buong hanay ng kapulisan sa kanilang suporta sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan. Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City ngayong umaga, ibinida ni Gen. Acorda ang pagbaba ng krimen mula… Continue reading Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

DSWD, nagpaalala sa mga tanggapan nito ukol sa budget parameters tuwing gagastos para sa workshop o seminar

Nag-isyu ng isang memorandum si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na tumutukoy sa budget parameters tuwing may mga inoorganisang aktibidad gaya ng workshop, seminar at training. Ang naturang memo ay tugon ng DSWD matapos ang Commission on Audit (COA) exit conference sa audit observation nito sa umano’y ilang iregular at… Continue reading DSWD, nagpaalala sa mga tanggapan nito ukol sa budget parameters tuwing gagastos para sa workshop o seminar

Mayor Binay, naglabas ng pahayag ukol sa pag-take over ni VP Sra sa 14 na paaralan ng Makati City

Nagbigay na ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay hinggil sa pag-take over ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 14 na paaralan ng EMBO barangays na dapat sana ay nakatakdang i-turn over sa Taguig City. Sa kanyang statement, sinabi ni alkalde na welcome sa kanila ang naging desisyon ng ikalawang pangulo… Continue reading Mayor Binay, naglabas ng pahayag ukol sa pag-take over ni VP Sra sa 14 na paaralan ng Makati City

Suppliers na sangkot sa P149-M kwestyonableng transaksyon sa Mexico, Pampanga LGU, pinahahanap sa awtoridad

Ipina-subpoena ng House Committee on Public Accounts ang tatlong supplier na sangkot sa umano’y kuwestyunableng transaksyon sa Mexico, Pampanga, LGU. Mismong si Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano ang nag-atas na ipa-subpoena sina Aedy Tai Yang, Rizalito Dizon at Roberto Tugade dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa pagdinig ng komite sa transaksyon ng lokal… Continue reading Suppliers na sangkot sa P149-M kwestyonableng transaksyon sa Mexico, Pampanga LGU, pinahahanap sa awtoridad

DOE, komited sa atas ng Pangulong Marcos Jr. na makamit ang energy targets

Tiniyak ni Energy Secretary Raphael Lotilla na sapat ang renewable energy ng Pilipinas upang tugunan ang energy gaps sa bansa. Ito ang inihayag ni Sec. Lotilla sa paghimay ng House Appropriations Committee sa budget ng Kagarawan sa susunod na taon. Sa interpellation ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez kung saan tinanong nito ang energy… Continue reading DOE, komited sa atas ng Pangulong Marcos Jr. na makamit ang energy targets

DepEd, direkta nang mamamahala sa 14 na pampublikong paaralan na apektado ng territorial dispute ng Taguig at Makati

Inako na ng Department of Education ang pamamahala sa 14 na pampublikong paaralan na apektado ng territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati. Sa pahayag na inilabas ng DepEd, sinabi nito na epektibo mula ngayong araw, ang Office of the Secretary ang direktang magsu-supervise sa management at administration sa lahat ng 14 na paaralan… Continue reading DepEd, direkta nang mamamahala sa 14 na pampublikong paaralan na apektado ng territorial dispute ng Taguig at Makati