Pag-apruba ng Pangulong Marcos sa National Security Policy 2023-2028, ipinagpasalamat ni Sec. Año

Pinasalamatan ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-apruba ng National Security Policy (NSP) 2023-2028 sa pamamagitan ng pag-isyu ng Executive Order (EO) No. 37. Sa pamamagitan ng EO 37, inatasan ng Pangulo ang lahat ng national government agency, government-owned and controlled corporations (GOCCs), at local government units (LGUs)… Continue reading Pag-apruba ng Pangulong Marcos sa National Security Policy 2023-2028, ipinagpasalamat ni Sec. Año

Budget ng DOT para sa susunod na taon, bumaba ng halos 20%

Umaasa si Tourism Sec. Christina Frasco na marekonsidera pa ng mga mambabatas ang kanilang 2024 proposed budget. Sa pagsalang ng budget ng ahensya sa deliberasyon sinabi ni Frasco na nagkaroon ng 20% na pagbaba sa kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon. Mula kasi sa kasalukuyang P3.73 billion na 2023 budget ay P2.99 billion… Continue reading Budget ng DOT para sa susunod na taon, bumaba ng halos 20%

Single Ticketing System, ipinapatupad na sa Navotas City

Simula ngayong araw, Agosto 15 ,ipinapatupad na sa Navotas City ang “No Confiscation Policy” sa drivers license ng mga motorista na lumabag sa batas trapiko. Sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Navotas, susundin na rin ang halaga ng multa sa traffic violations ayon sa Single Ticketing System sa Metro Manila Traffic Code. Para naman sa… Continue reading Single Ticketing System, ipinapatupad na sa Navotas City

Kampanya kontra ‘vote buying’, paiigtingin ng Comelec kaugnay ng BSKE

Asahan na ang mas pinaigting pang kampanya ng Commission on Elections o COMELEC kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sanggunian o SK elections sa Oktubre. Ito ang inihayag ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia matapos silang lumagda ng Memorandum of Agreement sa Philippine National Police o PNP at Philippine Coast Guard o PCG para sa… Continue reading Kampanya kontra ‘vote buying’, paiigtingin ng Comelec kaugnay ng BSKE

EO 35, nakatuon sa potensyal ng Pasig River — DHSUD Sec. Acuzar

Naniniwala si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na hindi lang nakatutok sa rehabilitasyon kundi pati na rin sa potensyal sa ekonomiya ang inilabas na EO 35 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumubuo sa Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD). Ayon kay Sec. Acuzar, malaki… Continue reading EO 35, nakatuon sa potensyal ng Pasig River — DHSUD Sec. Acuzar

Bahay ng nanay ng dating Comelec Chair, pinasabugan sa Cotabato City

Kinumpirma ni Cotabato City Chief of Police Col. Querubin Manalang. Jr na nagkaroon ng pagsabog ng granada sa labas ng bahay ng nanay ni retired COMELEC Chairperson Sherif Abas sa Narra St, Brgy. Rosary Heights 3, Cotabato City. Ayon kay Col. Manalang, nangyari ang insidente bago mag alas-otso, kung saan inisyal na inakala ng mga… Continue reading Bahay ng nanay ng dating Comelec Chair, pinasabugan sa Cotabato City

DILG, tiniyak ang buong suporta sa kampanya kontra fake news ng PCO

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang buong suporta nito sa inilunsad na Media and Information Literacy (MIL) campaign ng pamahalaan na layong pigilan ang paglaganap ng disinformation at misinformation sa bansa. Kasama si DILG Sec. Benhur Abalos Jr. sa lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) katuwang ang Presidential Communications Office… Continue reading DILG, tiniyak ang buong suporta sa kampanya kontra fake news ng PCO

Pag-atake ng NPA sa Masbate sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law day, kinondena ni Sec. Año

Mariing kinondena ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang pag-atake ng NPA sa mga inosenteng sibilyan gamit ang landmine sa Barangay Bonifacio, Uson, Masbate. Ang pag-atake, na ikinasugat ni Barangay Captain Democrito Rivera, Romneck Lumabab at Alex Balayan, pawang taga-Barangay Bonifacio, ay kasabay ng pandaigdigang paggunita na International Humanitarian Law (IHL) day nitong Agosto… Continue reading Pag-atake ng NPA sa Masbate sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law day, kinondena ni Sec. Año

Groundbreaking ceremony ng pagpapalawak ng ‘active transport infra’ sa Laoag, isinagawa ng DOTr

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang Department of Transportation o DOTr para sa expansion ng active transport infrastructure sa Laoag, Ilocos Norte ngayong araw. Ang naturang proyekto ay may lawak na 3.20-km na Class 1 at Class 2 bike lanes sa kahabaan ng Laoag Bypass Road. Layon nitong maisulong ang active transport sa lalawigan o paggamit… Continue reading Groundbreaking ceremony ng pagpapalawak ng ‘active transport infra’ sa Laoag, isinagawa ng DOTr

Kahalagahan ng ‘whole-of-government approach’ sa magandang business environment, binigyang diin ng DTI Chief

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng ‘whole-of-government approach’ sa pagkakaroon ng kaaya-ayang business environment sa mga negosyo sa isinagawang post-SONA Philippine Economic Briefing sa Laoag, Ilocos Norte kahapon. Kinilala rin ni Pascual ang kahalagahan ng kolaborasyon ng pamahalaan, pribadong sektor, academe, at civil society upang tiyakin ang… Continue reading Kahalagahan ng ‘whole-of-government approach’ sa magandang business environment, binigyang diin ng DTI Chief