Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P3.17 bilyon — DA

Pumalo na sa P3.17 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat. Batay sa pinakahuling assessment ng Department of Agriculture, siyam na rehiyon ang naapektuhan kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZIB, MIMAROPA, Western Visayas, Soccsksargen at Caraga. Umabot na… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P3.17 bilyon — DA

Food security, MUP pension reform, kalamidad at tumataas na utang ng bansa, kabilang sa ikokonsidera sa pagtalakay ng 2024 NEP

Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na ikukunsidera ang apat na malalaking issue ngayon sa bansa kasabay ng pagbusisi sa 2024 National Expenditure Program. Tinawag ni Recto ang mga isyu ng tumataas utang ng bansa, kalamidad, food security at MUP pension na “elephant in the room”, mga malalaking problema na hindi… Continue reading Food security, MUP pension reform, kalamidad at tumataas na utang ng bansa, kabilang sa ikokonsidera sa pagtalakay ng 2024 NEP

Restructuring sa hanay ng PNP, inaprubahan ng Kamara

187 na mambabatas ang pumabor para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong ayusin ang hanay ng Philippine National Police sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dagdag na tanggapan at maglaan ng pondo para rito. Sa ilalim ng House Bill No. 8327, aamyendahan ang “Department of Interior and Local Government Act of… Continue reading Restructuring sa hanay ng PNP, inaprubahan ng Kamara

Pagsusulong sa human rights-based approach upang protektahan ang mga IDP, pinagtibay ng Kamara sa ikatlong pagbasa

Pasado na sa Kamara ang panukala upang masigurong maprotektahan ang karapatan ng mga internally displaced person ay maiwasan ang tinatawag na arbitrary displacement. Salig sa House Bill 8269, pagtitibayin ang pagtalima sa nakasaad sa Konstitusyon, pamantayan na itinakda ng International Humanitarian Law, mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao, mga tratado at kasunduan… Continue reading Pagsusulong sa human rights-based approach upang protektahan ang mga IDP, pinagtibay ng Kamara sa ikatlong pagbasa

Most wanted kidnapper, naaresto ng PNP-AKG sa Lanao del Norte

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Mindanao Field Unit, ang isang most wanted na kidnapper sa Lanao Del Norte. Kinilala ni AKG Director PBGen. Rodolfo Castil ang naaresto na si Fahad Makil Lumiguis alyas Fahad Lumiguis Alangca, Abdul Raffy at Alu, na kabilang sa top 10 most wanted sa rehiyon. Naaresto si… Continue reading Most wanted kidnapper, naaresto ng PNP-AKG sa Lanao del Norte

Counter terrorism units ng AFP, gagamitin laban sa armadong grupo ni Cong. Teves

Maari nang pakilusin ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang mga counter terrorism units laban sa armadong grupo ni Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr. Ito ang sinabi ni AFP Visayas Command (Viscom) Commander Lt. Gen. Benedict Arevalo kaugnay ng pag-designate ng Anti-Terrorism Council sa mambabatas at sa kanyang armadong grupo bilang mga terorista.… Continue reading Counter terrorism units ng AFP, gagamitin laban sa armadong grupo ni Cong. Teves

Pagtaas ng inbound flights sa bansa at pagdami ng domestic air routes, naitala ng DOT

Naitala ng Department of Tourism ang pagtaas sa inbound flights at domestic air routes sa bansa bunsod na rin ng pagsisikap ng administrasyong Marcos Jr. na paunlarin ang sektor ng turismo sa bansa. Batay sa pinakahuling ulat ng DOT, aabot sa 58 na mga international flight ang nadagdag na mga dumarating sa bansa kada linggo… Continue reading Pagtaas ng inbound flights sa bansa at pagdami ng domestic air routes, naitala ng DOT

PUVs na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, dadagdagan ng LTFRB

Nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ang bilang ng mga Public Utility Bus (PUB) units na bibigyan ng Special Permit tuwing special holiday gaya ng Pasko at Holy Week. Kasunod ito ng inilabas na Memorandum Circular 2023-024 ng LTFRB na nag-aamyenda sa Memorandum Circular 2015-008 at Board Resolution No. 052,… Continue reading PUVs na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, dadagdagan ng LTFRB

Isang prison guard, patay sa pamamaril sa loob ng Laguna Provincial Jail

Patay ang isang prison guard matapos na barilin ng isang inmate sa loob ng Laguna Provincial Jail sa Sta Cruz, Laguna kaninang alas-9 ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jonathan Sombilla Buenviaje, 50, Prison Guard I, residente ng Barangay Maulawin, Pagsanjan, Laguna. Base sa inisyal na imbestigasyon,… Continue reading Isang prison guard, patay sa pamamaril sa loob ng Laguna Provincial Jail

Price freeze, epektibo sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Egay

Naglabas na ang Department of Trade and Industry ng consumer advisory kung saan epektibo sa loob ng 60 araw ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Egay at hanging habagat. Kasalukuyang epektibo ang nasabing price freeze sa… Continue reading Price freeze, epektibo sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Egay