Sen. Poe, umaasaang matutugunan agad ng Water Resources Management Office ang problema sa suplay ng tubig

Inaasahan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, na aaksyon na ang Water Resources Management Office (WRMO) para tugunan ang water service interruption na nararanasan ng ilang tahanan at negosyo ngayong naglabas na ng executive order ang Malacañang. Giit ni Poe, sa panahon ng tag-init, ang kawalan ng tubig na inumin, pampaligo… Continue reading Sen. Poe, umaasaang matutugunan agad ng Water Resources Management Office ang problema sa suplay ng tubig

DND OIC Galvez, nagpasalamat sa Pangulo sa pagdalo sa Balikatan

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. UnderSecretary Carlito Galvez Jr. ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa tampok na aktibidad ng Balikatan 38-2023, na unang pagkakataon na sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas ang ehersisyo makalipas ang mahigit 10 taon. Inihayag ito ni Galvez sa Closing Ceremony ng… Continue reading DND OIC Galvez, nagpasalamat sa Pangulo sa pagdalo sa Balikatan

Quota system, posibleng dahilan ng gawa-gawang buy bust operation sa Antipolo

Ipinagpatuloy ng House Committee on Public Order ang Safety ang imbestigasyon hinggil sa ilegal at gawa-gawang buy bust operation ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) 4A. Salig ito sa House Resolution 776 ni Antipolo Representative Romeo Acop, dahil sa ilang iregularidad sa dalawang magkahiwalay na drug operations sa Antipolo noong nakaraang taon. Naniniwala… Continue reading Quota system, posibleng dahilan ng gawa-gawang buy bust operation sa Antipolo

DFA, nailikas ang nasa 227 OFWs mula sa bansang Sudan patungong Egypt

Nailikas na ng Department of Foreign Affairs ang nasa 227 na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Sudan, at kasalukuyang nakarating na sa bansang Egypt. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo De Vega, ito ay dahil sa tigil putukan kaya nagkaroon ng magandang pagkakataon ang DFA na mailikas na ang mga OFW mula… Continue reading DFA, nailikas ang nasa 227 OFWs mula sa bansang Sudan patungong Egypt

DSWD, nagpaabot na ng tulong sa daan-daang pamilyang nasunugan sa Cavite City

Nabigyan na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 622 pamilya o 2,027 indibidwal na nasunugan sa barangay 22-Quadra, Cavite City noong Abril 26. Sa ulat ng DSWD, aabot sa Php2.676 million ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga pamilya tulad ng food packs at non-food items. Pagtiyak ni… Continue reading DSWD, nagpaabot na ng tulong sa daan-daang pamilyang nasunugan sa Cavite City

51 Pinoy na tumawid sa border ng Egypt at Sudan, nakarating na sa Cairo

Kasalukuyan nang nasa Cairo ang may 51 Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos maipit sa gulo sa bansang Sudan Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos matagumpay na makatawid sa border mula Khartoum ang mga nasabing Pinoy sa pakikipagtulungan ng Embahada at Konsulada ng Pilipinas. Personal na sinalubong ni Philippine Ambassador to Egypt… Continue reading 51 Pinoy na tumawid sa border ng Egypt at Sudan, nakarating na sa Cairo

VP Sara, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa graduation rites ng Montessori de San Juan sa San Juan City, ngayong araw. Dito, kaniyang ipinaalala sa mga nagsipagtapos na huwag kalimutang pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay. Kasunod nito, hinikayat din ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang mga nagsipagtapos… Continue reading VP Sara, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay

Desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration Law, malaking tulong sa paghihikayat na iparehistro ng publiko ang kanilang SIM

Naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe na ang desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration law ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro. Ayon kay Poe, pinagtitibay lang ng naturang desisyon ang pangangailangan na magpa-register ang lahat ng mga subscriber para na rin sa ligtas na mobile use. Kasabay nito,… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration Law, malaking tulong sa paghihikayat na iparehistro ng publiko ang kanilang SIM

4 na biktima ng human trafficking patungong Lebanon, naharang sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na babaeng biktima ng human trafficking na pinangakuang magtrabaho bilang household service worker sa Lebanon. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, una nang na-clear ang tatlo sa mga biktima nang maharang ito habang papasakay sa isang Air Asia Flight… Continue reading 4 na biktima ng human trafficking patungong Lebanon, naharang sa NAIA

Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakitaan ng mga IT expert ng ilang problema ang mga data server ng PNP. Ito ay matapos na magsagawa ng inspeksyon ang mga eksperto ng National Privacy Commission at National Telecommunications Commission (NTC) sa mga PNP server, kaugnay ng napaulat na “data breach”… Continue reading Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert